Partikular na inireklamo ng mga biktima ng demolisyon ang kawalan ng maayos na relokasyon bago gibain ang kanilang mga bahay.
Sa isang panayam sa telepono, kinumpirma ni Defensor, dating Housing ang Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chairman, na maraming urban poor ang personal na nagtutungo sa kanyang tahanan upang ihingi ng tulong ang kanilang problema lalo na yong mga nawalan ng tirahan.
Sinabi pa nito na umabot na sa 1. 2 milyon ang squatters sa Metro Manila kaya kasama sa dapat pagtuunan ng pansin ng mga senador sa papasok na 14th Congress ang problema ng mga urban poor.
Dapat na rin aniyang mag karoon ng isang independiyenteng lupon na may pangil, magbabantay at pipigil sa mga iligal na demolisyon.
Ipinaliwanag ni Defensor na maituturing na iligal ang paggiba sa bahay ng mga squatters kung walang maayos na paglilipatan o relokasyon para sa mga ito.
Si Defensor ay nanguna sa mga senatorial candidate na inindorso ng Urban Poor Alliance na may 600 non-government organizations at people’s organization na kumakatawan sa mahigit na 500,000 organisadong miyembro hindi lamang sa NCR kundi sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Isinusulong ng UP-ALL na magkaroon ng disenteng tahanan ang bawat pamilya mula sa hanay ng maralitang tagalungsod. (Malou Escudero)