Pastor Quiboloy inindorso si Pichay
April 28, 2007 | 12:00am
Inihayag kamakalawa ni Pastor Apollo C. Quiboloy, tagapagtatag at executive pastor ng Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Name Ministry at mayroong mahigit sa limang milyong miyembro, ang pagpili nito kay Team Unity senatorial candidate Prospero Pichay bilang numero uno niyang kandidato sa pagka-senador.
Sa kanyang programa sa cable TV channel ACQ-KBN (Kingdom Broadcasting Network), sinabi ni Quiboloy na pinagsabihan na niya si Pichay hinggil sa pag-endorso ng kanyang grupo rito. Sinabi ng pastor na si Pichay ang laging nangunguna sa pagtatanggol kay Presidente Arroyo, hindi dahil sa miyembro ito ng administrasyon kundi dahil sa pinangangatawanan nito ang kanyang ipinag lalabang prinsipyo. "Kung gusto mo talaga ng patola, kalabasa and upo, gugustuhin mo rin si Pichay. Totoo yan. Itatanim ko talaga si Pichay sa Senado," dagdag ni Quiboloy. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest