Sinabi kahapon ni Philippine National Police-Crime Laboratory Director C/Supt. Arturo Cacdac na hindi pala mantsa ng dugo ang nakita sa pantalon ng suspek na si Juan Dontugan at sa kahoy na pambayo ng bigas.
Wala ring silbi ang camera na nakuha sa pinangyarihan ng krimen dahil sa ibang bansa pa kuha ang mga litrato na laman nito.
Samantala, sinunog na kahapon ng umaga sa Holy Trinity Funeral Homes sa Paranaque City ang bangkay ni Campbell na pinatay habang namamas yal sa Banaue, Ifugao.
Mahigpit ang pagbabantay sa punerarya habang isinasagawa ang cremation sa labi ni Campbell na natagpuan sa isang mababaw na hukay sa Battad, Banaue.
Sumaksi sa cremation ang mga matataas na opisyal ng US Embassy at PNP. Takdang dalhin ang abo ni Campbell sa embahada bago ito ibalik sa kanyang pamilya sa Amerika. (Edwin Balasa/Rose Tesoro)