Matapos ang May elections: Erap hahatulan na!

"Guilty!"

Ito ang inaasahang hatol ni Sandiganbayan Chief Prosecutor Dennis Villaignacio sa kasong plunder na kinakaharap ni dating Pangulong Joseph Estrada matapos ang eleksiyon sa Mayo 14.

Nakatakdang hatulan ng Sandiganbayan Special Division si Estrada pagkatapos ng halalan. Sinabi ni Villaignacio na kumpiyansa siya na mako-convict si Estrada dahil naipri sinta na ng prosekusyon ang mga matitibay na ebidensiya laban dito na nagdidiin sa kanya sa multi-milyong pisong plunder case.

Handa na rin anya ang prosekusyon para sa kanilang rebuttal presentation kaya hindi na magtatagal ang kanilang pagpapalabas ng desisyon sa kaso.

"In the first place there is nothing to rebut. The defense failed to contradict our evidence and worse, Mr. Erap himself admitted signing bank documents as Jose Velarde," pahayag ni Villaignacio.

Ang Jose Velarde ay alyas umano ni Estrada para makapagbukas ng isang secret bank account.

Ang Sandiganbayan Special Division anya ay nag-utos din sa prosekusyon at depensa na magsumite ng kanilang summaries of arguments bago sumapit ang Mayo 25 at inaasahan na ang Korte ay magpapalabas ng desisyon sa loob ng 60 araw.

Sinabi din ni Villaignacio na bukas din ang pamahalaan para sa isang plea bargain agreement kay Yolanda Ricaforte, umano’y bookkeeper ni Estrada makaraan itong maaresto sa Estados Unidos.

Si Ricaforte, 55, kapwa akusado ni Estrada sa P1.4-billion plunder case ay matagal ng wanted ng US Federal Bureau of Investigation makaraang tumakas sa Pilipinas at magtungo ng US noong 2001.

Sa impeachment trial ni Estrada, inamin ni Ricaforte na siya ay nagbukas ng 6 accounts sa Equitable PCIBank na may halagang P200 million para kay Estrada. Inamin din nito na siya ay nag mamantine ng ledger na naglalaman ng gambling collections mula sa iba’t ibang lalawigan para sa dating presidente.

Show comments