Campaigner ni-rape!
April 26, 2007 | 12:00am
Isang 22-anyos na babaeng campaigner ng isang kandidatong kongresista ang ginahasa umano habang nasa kasagsagan ng panga ngampanya ng naturang kandidato sa Palawan kamakailan.
Iniulat kahapon ng radio station dzBB na nadakip at kinasuhan din kahapon ng pulisya ang suspek na nabatid na isa ring kapwa campaigner ng biktima.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Sigfredo Sta. Cruz, residente ng Barangay 1, Roxas, Palawan at campaign leader ng tumatakbong kongresista sa naturang lalawigan na si Vicente Sandoval.
Nabatid sa pulisya na ang biktima na isa ring political coordinator ng kampo ni Sandoval ay residente ng Barangay Jolo sa Roxas.
Naganap umano ang krimen bandang alas-3 ng madaling-araw sa isang beach resort sa Barangay Retac sa bayan din ng Roxas malapit sa lugar na pinangangampanyahan ni Sandoval.
Lumilitaw sa pangunang imbestigasyon na sumama ang biktima sa pangangampanya at mga pampulitikang pulong ni Sandoval sa unang distrito ng lalawigan nitong Sabado at Linggo.
Bandang alas-3 ng madaling-araw, inimbitahan umano ni Sta. Cruz ang biktima na sumama sa kanya sa isang beach resort para magpahinga pagkaraan ng nakakapagod nilang iskedyul sa pangangampanya.
Pagdating nila sa naturang lugar, sinimulan ng suspek na paghahalikan at paghahaplusin ang biktima na nagtangkang manlaban pero napangibabawan ito ng una.
Kasalukuyang nakakulong si Sta. Cruz sa Palawan Provincial Jail.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended