Autopsy kay Campbell sinimulan na
April 22, 2007 | 12:00am
Sinimulan na kahapon ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory ang awtopsiya at DNA testing sa bangkay ni US Peace Corps volunteer Julia Campbell.
Isinagawa ang awtopsiya sa kanyang bangkay sa Loyola Memorial Chapel sa Guadalupe, Makati City upang malaman kung ano ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sinabi ni PNP Crime Lab Chief Supt. Arturo Cacdac na ilang oras pagdating sa Maynila ng mga mag-oobserbang American forensic expert ay sinimulan agad ang pagsusuri at bago mag-tanghali ay natapos na ang dalawang test sa katawan ng biktima at inaasahang lalabas ang resulta tatlo hanggang apat na linggo.
Matatandaang ang katawan ni Campbell ay natagpuan noong Miyerkules ng umaga na mababaw na inilibing sa bulubunduking bahagi ng Sitio Batad, Banaue sa Ifugao matapos ang 10 araw na paghahanap mula ng ito ay mawala.
Naunang inihayag ni PNP chief Director Gen. Oscar Calderon na isang duguang kahoy sa pi_nang_yarihan ng krimen ang natagpuan ng mga pulis kaya may hinalang iyon ang ginamit sa pagpatay sa biktima.
Siniguro din ni Calderon na kilala na ng pulisya ang suspek sa nasabing pagpaslang at inaantay na lang ang warrant of arrest na ilalabas ng korte para ito ay arestuhin.
Samantala, isang ginang ang lumutang sa local na pulisya sa Ifugao upang pasinungalingan na ang kanyang asawa ay dawit sa pagpaslang kay Campbell.
Sa panayam ng isang TV network sa babaeng nakilalang si Grace Duntugan, sinasabi nitong wala ang kanyang asawa nang maganap ang sinasabing krimen.
Wala pang pinapangalanang suspek ang pulisya, pero sinabi nito kamakalawa na isa sa mga suspek ay nakatira malapit sa tinutuluyan ni Campbell.
Hindi na nagpakita sa kanyang bahay ang suspek mula nang matuklasan ang nangyari sa biktima. Tumanggi muna ang pulisya na banggitin kung saan nila inaakala ang kinaroroonan ng salarin. (Edwin Balasa, Rose Tesoro at Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest