^

Bansa

Libreng bakuna sa anak ng PhilHealth members

-
Hiniling ni Team Unity senatorial candidate ‘Tol Mike Defensor sa Philippine Health Insurance Corp. ang mabilis na pagsasagawa ng libreng programa sa bakuna para sa mga batang anak ng mga miyembro nito.

Sinabi ni Defensor na dapat ibahagi ng Philhealth ang financial cost ng programa nito sa Social Security System at Government Service Insurance System para sa mga anak ng private at public sector workers.

Base anya sa pinakabagong National Demographic and Health Survey, 46,400 Pilipinong sanggol ang namamatay kada-taon dahil sa kawalan ng bakuna na panlaban sa mga nakamamatay na impeksiyon o sakit.

Sa kanyang panukala, ang Philhealth, SSS at GSIS ay magkakaroon ng ugnayan para sa libreng pabakuna sa mga accredited health professionals sa buong bansa.

Sa kasalukuyan aniya, maraming magulang ang nabibigong kumpletuhin ang kinakailangang bakuna sa kanilang sanggol dahil sa napakamahal na bayad sa immunization, gayundin sa mga doctor. (Malou Escudero)

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

MALOU ESCUDERO

NATIONAL DEMOGRAPHIC AND HEALTH SURVEY

PHILHEALTH

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORP

SOCIAL SECURITY SYSTEM

TEAM UNITY

TOL MIKE DEFENSOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with