Sa press statement, sinabi ng Manila Electric Co., ang largest power distributor sa bansa, umaabot lamang sa 6,400 mgw ang demand ng kuryente na nakokonsumo, subalit dahil nagkasabay ang gamit ng aircon at electric fan ay hindi nakayanan ang suplay at bumigay ito.
Nitong Martes ang naitala ng PAGASA na pinakamainit na panahon sa Metro Manila sa temperaturang 36.8.
Ilan sa mga naapektuhan ng dalawang oras na brownout ay Pampanga, Bataan at ilang bahagi ng Metro Manila. (Angie dela Cruz)