Si Divina, na lalaban sa ilalim ng pro-administration party na Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi) at Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ay umapela kay Bishop Yniguez na kumbinsihin ang lahat ng kandidato sa Caloocan na pumirma sa isang ‘election covenant’ matapos ang ilang insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng ilang kandidato sa siyudad.
Sinabi ni Divina na ang Simbahan lamang ang may moral na karapatan na kumbinsihin ang mga kandidato at mga botante na umayon sa isang malinis, maayos at tahimik na eleksiyon.
Sa kanyang liham kay Yniguez, iminungkahi ni Divina na ang pagpirma sa covenant ay gawin pagkatapos ng isang misa para sa tahimik at maayos na eleksiyon. (Lordeth Bonilla)