^

Bansa

Pag-alburoto ng Mt. Bulusan pinalakpakan ng mga turista

-
Habang nababahala ang mga residente sa Sorsogon sa pag-aalburoto ng bulkang Bulusan ay nagpapalakpakan naman ang mga turista at nilitratuhan pa ang nagaganap na pagbuga ng abo at usok.

Sa report kahapon ng Philippine Institute of Volcanoloy and Seismology (Phivolcs), pitong baryo ang inulan ng abo na may taas na 4 kilometro mula sa bunganga at tumagal ng mahigit 20 minuto ang pagbuga.

Agad naman inutusan ni Edwin Hamor, alkalde ng Casiguran na nasa paanan ng Bulusan, ang isang barangay leader na paalisin ang mga turista sa isang resort doon kung tatamaan sila ng ashfall.

Namahagi na rin si Hamor ng mask sa mga residente para mapangalagaan sila laban sa masamang epekto ng abo sa kanilang baga.

Sa ngayon ay nasa lower alert level ang Bulusan at masusi itong minomonitor ng Phivolcs. (AP)

BULUSAN

CASIGURAN

EDWIN HAMOR

HABANG

HAMOR

NAMAHAGI

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with