Peewee pinapa-disqualify
April 4, 2007 | 12:00am
Pinapa-disqualify ng isang barangay chairman ang kandidatura ni dismissed Pasay Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad sa Comelec-NCR dahil hindi na umano ito kuwalipikado na tumakbo sa anumang posisyon.
Sa petisyon ni Chairman Juanito Delmendo ng Brgy. 177, Zone 18, binanggit nito na dinismis na ng Office of the Ombudsman si Trinidad sa serbisyo noong nakaraang January 12, 2007 dahil sa maanomalyang kontrata sa basura noong taong 2004 at 2005.
Dahil dito, kanselado na umano ang kanyang eligibility at disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Matatandaang sinuspinde ng Ombudsman si Trinidad kasama si Vice Mayor Antonino Calixto at walong iba pang konsehal noong September 2006 dahil sa pagpasok sa umano’y maanomalyang kontrata sa basura na nagkakahalaga ng mahigit P400-milyon.
Noong nakaraang Enero ng taong kasalukuyan, tuluyang sinibak ng Ombudsman si Trinidad. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended