Agana, bagong NPO chief
April 4, 2007 | 12:00am
Itinalaga kahapon ni Pangulong Arroyo si Enrique Agana bilang bagong hepe ng National Printing Office (NPO) kapalit ni Felipe Evardone. Pinalitan ni Agana si Evardone na nauna nang naghain ng "leave of absence" sa NPO matapos hirangin ng Malacanang ang kanyang kapatid na si Eastern Samar Gov. Ben Evardone na media coordinator ng Team Unity.
Matatandaan na inrekomenda rin ng Presidential Anti-Graft Commission ang suspension ni Evardone dahil sa kasong katiwalian. Pansamantalng humalili sa kanya si Marietta de Guzman bilang officer-in-charge, pero kinuwestiyon ng ilang sektor ang pananatili ni Evardone sa NPO dahil posible umanong gamitin ito ng Palasyo sa pandaraya sa eleksiyon. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended