Ang 50-bed hospital na pinasimulan at pinondohan ni Rep. Ignacio Arroyo Jr. ng ika-5 distrito ng naturang probinsiya, ay tatanggap ng pasyente hindi lamang mula sa Isabela kundi maging sa mga karatig-bayan at siyudad.
Sinabi ni Arroyo na ang ospital ay pagbibigay katuparan sa pangarap ng kanyang ama na makapagbigay ng de-kalidad na pangangalaga sa kalusugan sa mga mahihirap, lalo na sa mga bata.
Naitayo sa halagang P60 milyon, ang ospital ay nagtataglay ng mga modernong kagamitan at pasilidad para sa sari-saring sakit at paraan ng paggamot, kabilang na ang operasyon.