Satur 1-week pa sa Maynila
March 23, 2007 | 12:00am
Ipinagpaliban ng Supreme Court ang nakatakdang oral argument ngayong Biyernes kaugnay ng kasong murder na hinaharap ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo sa Leyte. Dahil dito, mananatili pa ng isang linggo sa Maynila si Ocampo na tinangkang ilipat ng pulisya sa Leyte kamakailan kundi pinigil ng korte. Muling itinakda ang pagdinig sa Marso 30.
Ginawa ng Mataas na Hukuman ang pagpapaliban dahil na rin sa kahilingan ng Solicitor General para makasagot ito sa petisyon ni Ocampo. Pumayag din ang SC na manatili muna si Ocampo sa Manila Police District habang hinihintay ang pagdinig sa petisyon nito.
Nauna rito, sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Calderon na dadalhin nila si Ocampo bukas sa Leyte kung hindi ito pipigilin ng korte. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am