^

Bansa

Wala akong interest sa Pelaez-Erap feud – Defensor

-
Nanindigan si leading senatorial candidate Mike "Tol" Defensor na personal na desisyon ng mag-inang Joelle at Blanquita Pelaez na ipagharap ng kaso si dating Pangulong Estrada hinggil sa umano’y paggamit ng bank account para sa money laundering actitivies.

Ayon kay Defensor, wala siyang anumang interest sa sigalot na namagitan sa mag-inang Pelaez at sa dating Pangulo kaya imposible ang akusasyon ng kanyang panghihimasok sa usapin.

Kinumpirma naman ni Defensor na tinawagan siya ni Joelle matapos magsalita sa media ang ina nitong si Blanquita upang pabulaanan ang mga alegasyon sa pag-uudyok nito sa kasuhan si Estrada.

Kinumbinsi umano ni Defensor ang batang Pelaez na magsalita rin upang maliwanagan ang isyung sinasabi ng ina subalit hindi na ito pumayag dahil wala namang katotohan ang bintang kay Tol.

Sinabi ni Defensor na noong mga panahong lumantad ang mag-inang Pelaez ay abala naman siya sa pagsusulong ng reconciliation sa pagitan ng administrasyon at kampo ng dating Pangulo.

Naniniwala si Defensor na bahagi na naman ng tumitinding pulitika ang panibagong isyung inilalabas laban sa kanya. (Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

BLANQUITA

BLANQUITA PELAEZ

JOELLE

MALOU ESCUDERO

PANGULO

PANGULONG ESTRADA

PELAEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with