Joker kumampi kay Satur
March 19, 2007 | 12:00am
Kinondena ng batikang constitutionalist Senator Joker Arroyo ang pag-aresto kay Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ang patuloy na pagdedetine kay Anakpawis Rep. Crispin Beltran kaugnay sa krimen na nagawa bago mag-EDSA o noong panahon ng Batas Militar.
"There is something grievously wrong with the arrest of Cong. Satur Ocampo and the continued detention of Cong. Beltran," giit ni Sen. Arroyo.
Aniya, nakipaglaban sa pamamagitan ng armas ang National Democratic Front (NDF) noon laban sa diktadurya ni Pangulong Ferdinand Marcos mula 1972 hanggang 1986.
Ipinaalala ni Arroyo na nang naging Pangulo si Cory Aquino, kaagad nitong binawi sa pamamagitan ng Proclamation No. 2 ang pagsuspinde ni Marcos sa writ of habeas corpus na siyang dahilan ng maramihang paglabag sa karapatang pantao. Dahil dito, lahat ng mga bilanggong pulitikal ay napalaya at ang kanilang mga kaso ay napawalang-bisa.
Idinagdag pa ni Joker na nang maging Pangulo si Fidel Ramos, ni-repeal ang Anti-Subversion Act dahil nilalabag nito ang Saligang Batas. Aniya, kasama ng hakbang na ito ay ang proklamasyon ng amnestiya para sa lahat ng mga tinaguriang rebelde.
"Dapat huwag nang hukayin ng militar ang nakaraan na siyang ibinaon sa limot ng mga nakaraang administrasyon. Dapat pag-isipan muli ng militar ang kanilang posisyon. May responsibilidad silang protektahan ang estado at mamamayan at tungkulin nito na tupdin ang patakaran ng gobyerno na kung ano ang nakaraan, nakaraan na, kundi mawawalan ng katatagan ang pamahalaan," giit pa ni Arroyo. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am