Suporta ng religious groups sinusungkit ng GO bets

Sinusungkit na ng mga senatoriables ng Genuine Opposition (GO) ang suporta ng malalaking religious groups sa bansa kaugnay ng nalalapit na eleksiyon.

Ayon kay GO senatorial candidate John Osmeña, nakatakda siyang makipagpulong sa mga lider ng Iglesia ni Kristo (INK) upang suportahan ang kaniyang kandidatura. Aminado si Osmeña na sa mga nakalipas na eleksyon ay malaki umano ang naitulong ng INK sa kaniyang pagkapanalo.

Sinabi naman ni Nikki Coseteng, tumatakbo rin sa partido ng GO na lumiham na siya kay INK leader Eddie Manalo upang hingin ang suporta nito.

Maliban sa INK, kabilang pa sa mga malalaking religious groups sa bansa ang El Shaddai, Jesus Miracle Crusade, Simbahang Katoliko atbp.

Tiwala silang iboboto ng taumbayan ang buong ticket ng mga kandidato ng GO habang patuloy ang kanilang pangangampanya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Tiwala RIN silang makakatulong sa kanilang kandidatura ang ginawang pagi-indorso sa kanila ni dating Pangulong Estrada. (Joy Cantos)

Show comments