Si Rudy "The Destroyer" Distrito, ay nakasuhan ng murder matapos nitong mapatay sa saksak ang Mehikanong si Juan Amaya noong 2004.
Maluwag namang tinanggap ni Distrito ang hatol at umiiyak na humingi ng tawad sa pamilya ng biktima, sa sarili niyang pamilya, sa mga kasama niya sa PBA at sa kanyang mga tagahanga.
Sa rekord ng korte, sinaksak ni Distrito si Amaya bilang paghihiganti umano matapos pakasalan ng huli ang kalaguyo ng una.
Nagpasok si Distrito ng "not guilty plea" subalit binago niya ito kinalaunan at nag-plead ng "guilty" para sa mas mababang kaso ng homicide. Inutusan din si Distrito na magbayad ng $10,000 sa pamilya ng biktima.
Iginigiit naman ng mga abogado ni Distrito na mabuting tao ang kanyang kliyente at isang self-defense ang pagkakapatay sa biktima.
Si Distrito, may taas na 5’10" ay dating pointguard ng koponang Toyota, pero huling naglaro sa Ginebra team.
Tinagurian siyang "Destroyer" dahil sa agresibo niyang pamamaraan sa paglalaro ng basketball.
Nabatid na nag-migrate siya sa Amerika kasama ng kanyang pamilya noong 1996 makaraang bawiin ng Games and Amusement Board ang kanyang lisensya.