Ayon kay Atty. Alfredo Villamayor, abogado ni Ang, pumayag si Ang na tumestigo laban sa kaibigang si dating Pangulong Joseph Estrada sa plunder case at nag-alok din na ibabalik ang P25 milyong naibulsa niya mula sa P130 milyong excise tax.
Pero dahil walang pera, ang kanyang bahay sa Corinthian Gardens sa Quezon City ang gagawing collateral ni Ang.
Nakatakdang dinggin ulit ang kaso ni Ang sa Marso 19 at posibleng maibaba na sa corruption of public officials in relation to indirect bribery ang plunder case na kinakaharap nito.
Ang plunder ay may katapat na habambuhay na pagkabilanggo habang ang corruption of public officials ay 2-6 taon lamang.
Si Ang ay kasalukuyang nakakulong sa Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Taguig. (Butch Quejada/Rose Tesoro)