^

Bansa

Atong lusot na sa ‘life’

-
Inaprubahan ng Sandiganbayan ang mosyon ng negosyanteng si Charlie "Atong" Ang para sa plea bargaining agreement kung saan binawi nito ang kanyang "not guilty" plea kapalit ang kanyang pag-amin sa kaso.

Ayon kay Atty. Alfredo Villamayor, abogado ni Ang, pumayag si Ang na tumestigo laban sa kaibigang si dating Pangulong Joseph Estrada sa plunder case at nag-alok din na ibabalik ang P25 milyong naibulsa niya mula sa P130 milyong excise tax.

Pero dahil walang pera, ang kanyang bahay sa Corinthian Gardens sa Quezon City ang gagawing collateral ni Ang.

Nakatakdang dinggin ulit ang kaso ni Ang sa Marso 19 at posibleng maibaba na sa corruption of public officials in relation to indirect bribery ang plunder case na kinakaharap nito.

Ang plunder ay may katapat na habambuhay na pagkabilanggo habang ang corruption of public officials ay 2-6 taon lamang.

Si Ang ay kasalukuyang nakakulong sa Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Taguig. (Butch Quejada/Rose Tesoro)

ALFREDO VILLAMAYOR

ATONG

AYON

BUTCH QUEJADA

CORINTHIAN GARDENS

METRO MANILA DISTRICT JAIL

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

ROSE TESORO

SI ANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with