^

Bansa

Botika ng Bayan binuksan

-
Gamot na mabisa na, mas abot-kaya pa!

Ito ang paalala kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri sa publiko matapos pormal na buksan ang bagong Botika ng Bayan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC).

Ayon kay Echiverri, ang Botika ng Bayan ay bukas 24-oras at maaaring makabili dito ng gamot na 60% na mas mababa ang presyo kumpara sa ibang botika.

Anya, maghahatid ng serbisyo sa mas maraming residente ng lungsod at magbibigay kaalaman sa mga ito sa mga iba pang serbisyong hatid ng hospital.

Ayon naman kay Councilor Ricojudge "RJ" Echiverri, Presidente ng Liga ng mga Barangay, kailangang maipaalam sa lahat na ang ‘generic drug’ ay kasimbisa din ng mga kilalang gamot ngunit mas mababa ang presyo nito.

Ang Botika ng Bayan ay aprubado ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) at suportado rin ng Department of Health (DOH).

ANG BOTIKA

AYON

BAYAN

BOTIKA

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

COUNCILOR RICOJUDGE

DEPARTMENT OF HEALTH

ECHIVERRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with