Ayon sa dating mayor na si Jose Capco, hindi puwedeng kumandidato si Cayetano dahil isa itong US citizen na "sinadya at tahasang ibinasura ang kanyang pagiging mamamayan ng Pilipinas."
Binanggit ni Capco na noong Marso 18, 1976 , si Cayetano ay binigyan ng alien certificate of registration (ACR) kung saan nakalagay na siya ay isang American citizen.
Sa ilalim ng Section 3, Article 6 ng Konstitusyon nakasaad na "no person shall be a senator unless he is a natural born citizen of the Philippines."
Makaraan ang halos siyam na taon, noong Enero 23, 1985, sinabi ni Capco na si Cayetano ay personal pang nag-apply at nabigyan ng panibagong ACR kung saan muli niyang inihayag na siya ay isang Amerikano.
Subalit nang si Cayetano ay tumakbo bilang konsehal ng Taguig noong 1992, sinabi ni Capco na nagpakita ito sa mga botante ng identification certificate mula sa Bureau of Immigration na nagsasaad na siya ay isa nang Filipino.
Pero binigyang-diin ni Capco na ang ID certificate ni Cayetano ay hindi pa napagtitibay ng Secretary of Justice na siyang itinatakda ng batas.
Una rito, inihayag ni Justice Sec. Raul Gonzalez na ayon sa records ng kanyang departamento, Amerikano pa rin si Cayetano. (Gemma Garcia)