^

Bansa

Apela sa CGFN ibinasura!

-
Nabigo ang Task Force CGFNS na kumbinsihin ang mga opisyal ng Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools (CGFNS) sa Amerika na baguhin ang kanilang desisyon kaugnay sa pagbibigay ng visa screen certificate sa Pinoy nurses.

Matapos ang halos 4-oras na masinsinang talakayan at dayalogo na ginanap sa CGFNS headquarters sa Philadelhia, Pennsylvania, pinandigan ng CGFNS na tanging ang mga nag-retake lang ng test 3 at 5 ng June 2006 Nursing Licensure Exam ang magkakaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Amerika.

Tinanggap rin ng Task Force na pinamumunuan ni Bacolod Rep. Monico Puentevella ang katotohanan na pinal na ang desisyon ng CGFNS at walang apela na makapagbabago rito.

Aminado si Puentevella na suntok sa buwan talaga ang pagpunta nila sa US. Gayunman, kinailangan umano nilang magbakasakali alang-alang sa 17,000 Pinoy nurses na umaasa pang mapagbibigyan ng CGFNS.

Kasunod nito, sinigurado ng Malacañang na sasagutin ng gobyerno ang P900 examination fee ng mga nais mag-retake, pero nilinaw ni Executive Secretary Eduardo Ermita na boluntaryo at hindi naman kailangang mag-retake ang mga nakapasa na wala namang balak magtungo sa Amerika.

Ang DOLE ang mag-a-administer ng kontrobersiyal na test 3 at 5. (Butch Quejada/Malou Escudero)

AMERIKA

BACOLOD REP

BUTCH QUEJADA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

GRADUATES OF FOREIGN NURSING SCHOOLS

MALOU ESCUDERO

MONICO PUENTEVELLA

NURSING LICENSURE EXAM

PINOY

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with