Loren no.1 sa Malacañang survey
March 8, 2007 | 12:00am
Nanguna ng milya-milya si dating Senador Loren Legarda sa Malacañang survey na isinagawa ng American polling firm sa 300 barangay sa buong Pilipinas.
Nakopo ni Loren, kandidato ng Genuine Opposition (GO) , ang no. 1 position kung saan
tumataginting na 62 % ng mga boto ng 1, 500 survey respondents mula sa National Capital Region, mga siyudad at probinsya ang nakuha ni Loren, na siya ring No. 1 noong 1998 senatorial elections sa bisa ng mahigit sa 15 milyong boto.
Bukod sa survey ng American pollster ay consistent rin ang pangunguna ni Loren sa iba pang senatorial surveys tulad ng mga isinagawa ng SWS at Ibon Facts and Figures.
Sa kaniyang 62% boto, lumamang si Loren ng 13% sa nasa ikalawang posisyon na si Sen. Manny Villar na may 49%.
Sumunod kina Loren at Villar, ayon sa pagkakasunod, sina Francis Pangilinan (46%), Ping Lacson (45%), Ralph Recto (41 %), Ed Angara (35%), Chiz Escudero (35%) John Osmeña (34%), Tito Sotto (31%), Gringo Honasan (30 %) , Joker Arroyo ( 28 %) at Sonia Roco ( 28 %)
Sa naturang survey ng Malacañang ay hindi nakapasok sa Magic 12 ang mga administration candidates na sina Mike Defensor (27%), Miguel Zubiri (22%), Cesar Montano (2 %), Tessie Aquino Oreta (20%), Prospero Pichay (12 %) at Chavit Singson (12%).
Samantala, namayagpag naman ang mga kandidato ng GO senatorial bets at tatlo sa Team Unity sa Social Weather Stations (SWS) survey.
Nangunguna sa SWS survey si Pangilinan, na sinundan nina Legarda, Villar, Cayetano, Lacson, Escudero.
Samantala sa Team Unity ay pumasok sina Recto at Sotto habang sali rin sa magic 12 sina Osmeña, Aquino III, Honasan at Arroyo. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended