^

Bansa

4 karnaper, laglag kay Mike Defensor

-
Muli na namang nagpakita ng maaksiyong kabayanihan si leading senatorial candidate Mike "Tol" Defensor makaraaang masukol ng kanyang grupo sa isang mahabang habulan ang apat na lalaking hinihinalang miyembro ng isang carnapping syndicate habang itinatakas ang isang kinarnap na kotse sa Makati City kahapon ng umaga.

Animo’y mga maaamong tupa ngayon sa Makati Police Station ang mga suspek na sina Francis Devina, Romar Devina, Mark Anthony Roketa at Christopher Ruiz Abedan, pawang ng Las Piñas City.

Naganap ang insidente habang binabagtas ng convoy ng tumatakbong senador sa ilalim ng Team Unity ang EDSA, Mandaluyong bandang 11:30 ng umaga kahapon.

Papunta sa Sheraton Hotel si ‘Tol Mike nang mapansin ng kanyang driver ang isang light blue na kotseng Nissan (WDH-780) na bukas ang hood sa harapan habang paekis-ekis ang takbo at hinahabol ng isang traffic enforcer. Mabilis na iniutos ni Defensor sa kanyang driver na sundan ang kotse kaya lalo itong kumaripas sa EDSA hanggang umabot sa Magallanes. Pagdating sa Arnaiz St., Makati, sa taranta ng mga suspek ay bumangga sila sa ilang sasakyan.

Tinangkang tumakas ng mga suspek pero mas mabilis si Defensor kasama ang kanyang mga security at nasukol ang mga karnaper.

Ang grupo na rin ni ‘Tol Mike ang nagdala sa mga suspek sa pinakamalapit na presinto. (A. dela Cruz)

vuukle comment

ARNAIZ ST.

CHRISTOPHER RUIZ ABEDAN

FRANCIS DEVINA

LAS PI

MAKATI CITY

MAKATI POLICE STATION

TOL MIKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with