Senior citizens pumalag kay Calixto

Nagprotesta kahapon ang mga senior citizens ng Pasay City matapos okupahan ni Vice Mayor Antonino Calixto ang tanggapan ng Senior Citizenz Affairs Office (Osca) sa Pasay City ng muling mabigo sa tangka nitong maupo sa city hall.

Mahigpit na kinondena ng lahat ng opisyal at staff ng OSCA ang desperadong pagkilos ni Calixto nang "puwersahang" inokupahan nito ang kanilang tanggapan nang walang legal na basehan mula sa pamunuan ng Pasay City at DILG.

"Desperado na talaga si Calixto, sinisigawan niya at ng kanyang mga tauhan kaming mga senior citizens at sapilitang ginamit ang aming tanggapan sa kanyang ilusyon na siya ang alkalde ng siyudad," giit ng OSOCA.

Dahil dito, inihayag ng ilang opisyal at tauhan ng naturang tanggapan na naantala ang paghahatid ng pangunahing serbisyo sa mga senior citizens ng lungsod dahil "nagmistulang pribadong" tanggapan ni Calixto ang OSCA. Napatalsik si Calixto kasama ang dating alkalde na si Peewee Trinidad at walong konsehal dahil sa anomalya sa basura. (Lordeth Bonilla)

Show comments