US tutulong sa judicial killing
February 28, 2007 | 12:00am
Sinabi kahapon ni United States Ambassador Kristie Kenney na tutulong ang kanyang bansa sa mabilis na imbestigasyon sa tinatawag na extra-judical killing o pamamaslang sa mga maka-Kaliwang aktibista at mamamahayag sa Pilipinas.
"Malugod kaming tutulong. Kailangang ipaalam ng Pilipinas kung paano kami makakatulong," sabi ni Kenney sa panayam sa kanya ng mga reporter sa closing ceremony ng RP-US Balikatan sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Para kay Kenney, seryosong problema ang kinakaharap ng Pilipinas sa mga insidente ng pamamaslang sa mga militante sa bansa.
Hinikayat din niya ang pamahalaan na pagkalooban ng kaukulang proteksyon ang mga tnestigo para mapabilis ang imbestigasyon sa naturang mga pamamaslang. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest