Ito ang hayagang sinabi ni Senador Juan Flavier na nakatakdang magtapos na ang termino bilang Senador.
Sa kanyang talumpati sa isang pulong ng Filipino-Chinese Business Association kamakailan, inindorso ni Flavier ang kandidatura ni Coseteng sa pagka-senador sa halalan sa Mayo.
Mabigat ang endorso ni Flavier na isa sa mga iginagalang na opisyal ng pamahalaan hindi lamang bilang senador kundi maging noong kalihim pa siya ng Kagawaran ng Kalusugan. Naging popular siya dahil sa matapat at maka-masa niyang paraan ng pagharap sa mga problema sa kalusugan kaya binansagan siyang Mr. Clean hanggang sa maluklok siya sa Senado.
Si Coseteng naman na naunang nagsilbi ng dalawang termino sa Senado pagkatapos ng limang taon sa Mababang Kapulungan, ay nakilala bilang isang makabayan at masugid na tagapagtanggol ng karapatang pantao, lalo na ang karapatan ng manggagawa at kababaihan, at ang kanyag kampanya para tulungan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga pampublikong paaralan ng mga aklat at materyales sa pag-aaral na kasing-taas ng uri ng ginagamit sa mga pribadong paaralan.
Sa kanya ring talumpati sa nabanggit na pulong, sinabi ni Coseteng na dapat tularan ang kasipagan, dedikasyon, mahabang pagpaplano at work ethics ng Filipino Chinese at ituro ito sa mga susunod na henerasyon para sumulong nang mas mabilis ang ating bayan.