HDO kay Gov. Valera
February 24, 2007 | 12:00am
Pormal nang inilagay sa hold departure order (HDO) ng Bureau of Immigration (BI) si Abra Gov. Vicente Valera kaugnay sa kaso nitong illegal possession of firearms, explosives and ammunition na kinakaharap nito sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).
Sinabi ni BI Associate Commissioner Roy Almoro, ipinalabas ang HDO upang mabantayan si Valera at maharang sakaling magtangka itong lumabas ng bansa.
Ang HDO ay base na rin sa kautusan ni QC RTC Branch 223 Judge Ramon Cruz.
Ibinasura ni Cruz ang hirit ng abogado ni Valera na malalabag ang constitutional right to travel ng gobernador sa sandaling maisailalim ito sa HDO.
Ayon pa sa hukom, nakatanggÿÿap ng intelligence report ang Philippine National Police kaugnay sa planong pag-alis ng bansa ni Valera. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest