^

Bansa

Permit to Win bagong modus ng NPA sa eleksiyon

-
Kung dati ay merong tinatawag na Permit to Campaign na ipinapatupad ang mga rebeldeng komunistang New People’s Army para sa mga kandidato sa halalan na mangangampanya sa kanilang balwarte, ngayon naman ay Permit-to-Win (PTW) ang bagong gimik ng NPA.

Ito ang ibinunyag kahapon sa isang media forum sa Camp Crame ni Deputy Director General Antonio Billones na nagsabing sa PTW, ililigpit ng NPA ang makakalaban ng sinumang kandidato na magbabayad sa kanila ng tamang halaga.

Umiiral umano ito ngayon sa mga lugar na maimpluwensya ang NPA. Ikinakampanya pa ng mga rebelde ang mga tiwaling pulitikong nagbayad sa kanila para sa PTW. (Joy Cantos)

CAMP CRAME

DEPUTY DIRECTOR GENERAL ANTONIO BILLONES

IKINAKAMPANYA

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

UMIIRAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with