Iginiit na Calderon na kailangang walang anumang makitang bahid ng pamumulitika sa kanilang hanay dahil patuloy nilang pinaiiral ang pagiging ‘apolitical’ ng pambansang pulisya.
Kaugnay nito, sinabi ni Calderon na sinumang pulis na mahuhuli sa aktong nagsusuot ng mga t-shirt ng mga kandidato ay mahaharap sa kasong administratibo.
Nabatid na ang memorandum na nagbabawal sa mga pulis na magsuot ng mga t-shirt ng mga kandidato ay ipakakalat ng liderato ng PNP sa lahat ng kanilang himpilan sa buong bansa.
Nilinaw naman ng PNP Chief na hindi saklaw ng naturang direktiba ang kamag-anak ng mga pulis, kung saan ang tanging apektado lamang nito ay ang mga kawani ng nasabing organisasyon.
Sa kasalukuyan ayon pa sa heneral ay patuloy ang kanilang panawagan sa mga pulis na huwag makisawsaw sa pulitika. (Joy Cantos)