^

Bansa

Pulis bawal magsuot ng t shirt ng kandidato

-
Binawalan kahapon ni PNP Chief Director Gen. Oscar Calderon ang mga pulis na magsuot ng t-shirt o anumang campaign materials gaya ng sombrero, posters, banners at iba pa na nagpapakita ng pagsuporta sa mga pulitikong tumatakbo sa iba’t ibang elective post sa gobyerno.

Iginiit na Calderon na kailangang walang anumang makitang bahid ng pamumulitika sa kanilang hanay dahil patuloy nilang pinaiiral ang pagiging ‘apolitical’ ng pambansang pulisya.

Kaugnay nito, sinabi ni Calderon na sinumang pulis na mahuhuli sa aktong nagsusuot ng mga t-shirt ng mga kandidato ay mahaharap sa kasong administratibo.

Nabatid na ang memorandum na nagbabawal sa mga pulis na magsuot ng mga t-shirt ng mga kandidato ay ipakakalat ng liderato ng PNP sa lahat ng kanilang himpilan sa buong bansa.

Nilinaw naman ng PNP Chief na hindi saklaw ng naturang direktiba ang kamag-anak ng mga pulis, kung saan ang tanging apektado lamang nito ay ang mga kawani ng nasabing organisasyon.

Sa kasalukuyan ayon pa sa heneral ay patuloy ang kanilang panawagan sa mga pulis na huwag makisawsaw sa pulitika. (Joy Cantos)

BINAWALAN

CHIEF DIRECTOR GEN

IGINIIT

JOY CANTOS

KAUGNAY

OSCAR CALDERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with