Nurse sinuspinde dahil tsismosa
February 15, 2007 | 12:00am
Kinatigan ng Korte Suprema ang suspension order na ipinataw ng Ombudsman sa isang public nurse nang dahil sa pagiging tsismosa nito.
Naharap sa kasong grave misconduct at conduct unbecoming of a public official ang nurse na si Erlinda Santos matapos nitong ipagkalat sa buong Tondo Medical Center na naanakan ng ibang lalake ang kanyang kapwa nurse na si Ma. Carest Rasalan.
Hiyang-hiya si Rasalan nang magbalik sa trabaho matapos ang kanyang maternity leave nang mabatid nito ang kumakalat na tsismis sa buong ospital kaya nagpasya siyang sampahan ng kaso sa Ombudsman si Santos.
Ikinatwiran naman ni Santos na walang kapangyarihan ang Ombudsman na dinggin ang kaso dahil personal na bagay lamang umano ito sa pagitan ng dalawang public nurses at wala umano itong kinalaman sa kanilang trabaho.
Subalit nilinaw ng Korte Suprema na hindi kinakailangang may kaugnayan sa trabaho ang isang kaso para magkaroon ng hurisdiksyon dito ang Ombudsman.
Ayon sa SC, lahat ng kasalanan ng isang opisyal o kawani ng pamahalaan na nagawa nito habang siya ay nanunungkulan ay maaaring dinggin ng Ombudsman.
Gayunman, mula sa dating pitong buwang suspension ay ibinaba ng SC sa dalawang buwan dahil ang kasalanan nito ay maituturing lamang anyang isang "simple misconduct." (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest