^

Bansa

Transport groups nagpasaklolo sa DOTC

-
Hiniling ng transport groups kay DOTC Secretary Leandro Mendoza na imbestigahan ang umano’y hindi makatao at di makatwirang ginawa sa kanila ng pamunuan ng LRTA 2.

Ayon sa Metro East Grand Transport Federation na miyembro ng Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO) , isang panloloko ang ginagawa sa kanila ng LRTA 2 kayat kailangan na ng kaukulang pagkilos hinggil dito ni Secretary Mendoza.

Inerereklamo ng grupo ang di na pagkilala ng LRTA 2 management particular ni LRTA 2 Administrator Melquides Robles sa kanilang kasunduan kaugnay ng pagkakaroon nila ng terminal sa may LRTA 2 terminal station sa Santolan, Maynila.

Ikinatwiran ni Efren de Luna, pangulo ng ACTO, nagkaroon ng pirmahan ang kanilang mga hanay at ang pamunuan ng LRTA na i-develop nila ang may 100 square meters na lupa sa may LRT 2 station sa Santolan Maynila ilang taon na ang nakararaan.

Makaraan ang kasunduan, ang naturang lupain anila na noon ay talahiban pa ay pinaganda nila at inayos at sila ay gumastos ng may P2 Milyon para gamitin nilang terminal at mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang mga pasahero.

Gayunman, isang samahan ng trasportasyon ang pinayagan ng LRTA 2 na mag-terminal sa loob ng nadevelop nilang lupain at inookopahan ang kanilang puwesto ng walang rentang naibibigay sa pamahalaan at ginastos sa pag develop ng lugar.

Naghinala din ang naturang mga grupo na posibleng sa bulsa lamang ng iilan umano napupunta ang bayad na binibigay ng nailagay na bagong transport groups sa kanilang terminal kayat ang bagay na ito ay dapat siyasatin ng DOTC. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ADMINISTRATOR MELQUIDES ROBLES

ALLIANCED OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

ANGIE

LRTA

METRO EAST GRAND TRANSPORT FEDERATION

SANTOLAN MAYNILA

SECRETARY LEANDRO MENDOZA

SECRETARY MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with