Ang LBC Group, isa sa mga pangunahing remittance company at isang may mahalagang bahagi ng dugo’t pawis ng OFWs remittances ay puwersadong magbabayad ng mahigit sa P1 bilyon.
Batay sa mga report na nasa Securities and Exchange Commission (SEC), tagilid ang sitwasyon ng LBC. Ang pangyayaring ito ay nag-ugat sa pagtanggal ng mga assets ng itinuturing na kompanya ng grupong LBC at ang minority shareholder, ang ATRKE, isa sa matatag na financial corporations sa Pilipinas.
Ang pagtanggal ng mga assets at paglilipat ay isinagawa ng wala umanong kaukulang pahintulot mula sa shareholders ng LBC Global kagaya ng ATRKE.
Kasangkot umano dito ang dalawang directors na sina Liza Berenguer, presidente ng LBC Bank at si Hugo Bonilla, presidente ng LBC USA sa dahilang walang ginawang kaukulang hakbang para maiwasan ang nasabing anomalya.