Wednesday Group hati na
February 10, 2007 | 12:00am
Inamin ni Senate President Manuel Villar Jr. na mahahati ang Wednesday group sa darating na May 14 senatorial race matapos mabigo silang magkasundo kamakalawa ng gabi upang magkaisa at sumama na lamang sa iisang tiket.
Sinabi ni Sen. Villar, wala pa silang napagkasunduan nina Senate Majority Leader Francis Pangilinan, Sen. Ralph Recto at Sen. Joker Arroyo kung sa oposisyon o administrasyon sasama sa darating na senatorial elections.
Hinihintay ng United Opposition (UNO) ang desisyon ng Wednesday group kung sa kanila sasama ang grupo ni Villar matapos ipaglaan ng apat na slot para sa senatorial line-up ang mga ito.
Hindi pa rin naman tumitigil sa panliligaw ang Unity ticket ng administrasyon sa Wednesday group upang tumakbo na lamang ito sa line-up ng administrasyon.
Ayon kay Sen. Pangilinan, magpupulong muli sila at ihahayag ang kanilang desisyon bago sumapit ang deadline ng pagsusumite ng certificate of candidacy sa Feb. 12.
"We have failed to reach an agreement as a group at this time, it’s a stalemate. We have agreed that we will continue to try and ensure that, until the deadline of filing, our decision as a group be unanimous. A this point, 3 of the 4 have agreed to run under a common ticket and one of us remained unconvinced," wika pa ni Pangilinan.
Pero ayon kay Speaker Jose de Venecia, sigurado na umano ang pagpasok nina Sens. Arroyo at Recto, at anak ni dating senator Mamintal Tamano na si Adel sa administration ticket kaya puspusan na ang kanilang paghahanda para makumpleto ang line-up.
Sigurado na sina Mike Defensor, Miguel Zubiri, Prospero Pichay, Chavit Singson. Tito Sotto, Tessie Aquino-Oreta at Edgardo Angara.
Ayon kay de Venecia, posibleng ihayag ang kumpletong listahan ng mga kandidato ngayong Sabado o bukas.
Inihayag pa ng Speaker na mayroong artista sa hanay ng unity ticket pero ikinokonsidera pa rin ito.
Napabalita ang intensiyon ni Richard Gomez na kumandidato sa Senado sa ilalim ng unity ticket samantalang ikinokonsidera rin sina Optical Media Board Chairman Edu Manzano at actor Cesar Montano.
Dumalo si de Venecia sa proklamasyon ni Pichay na pagkandidato sa Senado sa isang restaurant sa Quezon City kung saan dumating din ang boksingerong si Manny Pacquiao. (Rudy/Andal/Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest