ROTC cadets sabak sa eleksiyon
February 5, 2007 | 12:00am
Dahil sa kakulangan ng mga pampublikong guro, pinaplano na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na gamitin ang mga kadete ng Reserve Officer Training Corps (ROTC) para mamahala sa eleksiyon ngayong Mayo.
Base sa ulat, nangangailangan ang Comelec ng 900,000 mga guro para sa 250,000 polling precints sa buong bansa ngunit kalahati lamang nito ang nakalap para sa eleksiyon. Sa datos naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), posibleng nasa 470,000 mga guro lamang ang maaaring magserbisyo.
Sinabi ni Chairman Benjamin Abalos na plano nilang kunin ang serbisyo ng mga ROTC cadets sa mga probinsiya ngunit kanila pa itong pagdedesisyunan sa pinakahuling "en banc meeting" nila sa komisyon. Kung hindi umano maaaring maging miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI) ang mga kadete, maaari naman silang maging tagabantay ng seguridad ng mga presinto sa halip na mga pulis na maaaring maging "bias" sa mga kandidato.
Sa nakaraang pulong ni Abalos kay ACT chairman Antonio Tinio, hiniling nito na doblehin ang P1,000 bayad kada araw sa mga guro, insurance coverage na P500,000 at transportation allowance.
Inaprubahan naman ng Malacañang ang P300 transportation allowance at P200,000 insurance coverage habang naglaan ang Budget department ng P3.3 bilyon para sa iba pang benepisyo. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest