^

Bansa

AFP Gen., 9 pa hinostage ng MNLF!

-
Hawak ngayon ng grupong Moro National Liberation Front (MNLF) ang mga government peace negotiators na sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Major Gen. Benjamin Dolorfino, Defense Undersecretary Ramon Santos at walo pang mga opisyal ng militar at sundalo sa Jolo, Sulu.

Ayon sa report, pinigilang lumabas ng kampo ng mga rebelde sina Dolorfino sa Bitan-ag malapit sa Panamaw, Sulu. Bukod kina Dolorfino at Santos, bihag din ang isang Carol Laforte, limang mula sa Marines at dalawang mula sa Army.

Sinabi umano ng mga rebelde na paaalisin lamang nila ang mga opisyal kung papayag ang gobyerno na palayain si MNLF Chairman at dating ARMM Gov. Nur Misuari at padaluhin sa isasagawang Organization of Islamic Conference (OIC) sa Jeddah, Saudi Arabia na takdang idaos sa Pebrero 6 taong ito.

Sa report ni Sulu Provincial Police Office Sr. Supt Ahiron Ajirin, naganap umano ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa kampo ng MNLF sa naturang lalawigan.

Ayon kay Ajirin, madalas umanong magtungo ang grupo nina Dolorfino at Santos sa naturang lugar para sa peace process subalit nagulat na lamang ang mga ito nang hindi sila payagang bumaba mula sa kuta ng mga rebelde.

Iginigiit umano ng mga miyembro ng MNLF na pakakawalan lamang nila ang mga bihag kung pakakawalan din ng gobyerno si Misuari na ngayon ay nakapiit sa Sta Rosa, Laguna.
Hindi kinidnap
Samantala, pinabulaanan naman ni MNLF spokesman Abdurahman Jamasali na dinukot nila ang mga government peace negotiators gaya ng napapaulat.

"That abduction reports totally untrue information that Dolorfino and his group [are] held captive by the MNLF," pahayag ni Jamasali sa isang radio interview.

Sinabi nitong sina Santos at Dolorfino ay nagsasagawa ng peace seminar sa mga miyembro ng MNLF nang sila ay himukin na tumigil muna doon para matalakay ang gagawing pag-uusap ng MNLF at ng Philippine government kaugnay sa peace talks.

Sa isang text message naman ni Dolorfino ay kinumpirma niyang nasa pangangalaga sila ng MNLF pero nasa mabuti umano silang kondisyon.

"We are ok. We are treated as guests, my guards are not being disarmed," pahayag ni Dolorfino.

Gayunman, nagpadala na ng mga emisaryo ang Malacañang para sa ligtas na paglaya ng grupo nina Dolorfino. (Angie Dela Cruz at Lilia Tolentino)

ABDURAHMAN JAMASALI

ANGIE DELA CRUZ

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BENJAMIN DOLORFINO

CAROL LAFORTE

DOLORFINO

MNLF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with