Gringo pinayagang magpa-doktor
February 2, 2007 | 12:00am
Pinayagan na ng Department of Justice (DOJ) si dating Senador Gregorio "Gringo" Honasan na makapagpatingin ito sa doktor.
Ikinatuwiran ng DOJ na hindi umano dapat pang kontrahin ang isinumiteng motion for leave ni Honasan sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148.
Ipinaliwanag ng DOJ na kinakailangan na rin ni Honasan na patingnan ang kanyang lumalalang sugat sa paa kung saan nakuha ito sa ginawang pagtalon nang hulihin ng mga pulis.
Inirekomenda naman ng prosecution na sa Asian Hospital dalhin si Honasan.
Bukas, ganap na alas-8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali ang inirekomendang leave ni Honasan at eeskortan ito ng PNP-Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna kung saan ito nakakulong. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest