Escudero tuloy na sa pagka-senador
January 31, 2007 | 12:00am
Naghain na kahapon ng Certificate of Candidacy (CoC) sa Commission on Elections (Comelec) si House Minority Leader Francis Escudero kasama ang kanyang misis at biyuda ng yumaong si Fernando Poe Jr. na si Susan Roces.
Sa panayam kay Escudero, sinabi nito na tinanggihan niya ang alok ng administrasyon na sumali sa kanilang senatorial ticket kayat maaga itong naghain ng kanyang CoC upang pawiin ang pangamba na makikipag-alyansa siya sa administrasyon.
Inihayag din ng batang Kongresista na sa loob n glinggong ito ay ilalabas na nila ang pinal na listahan ng oposisyon para sa kanilang senatorial ticket kung saan kabilang siya.
Nanatili rin umano ang political force ng opposition sa pamumuno ni dating President Joseph Estrada sa kabila ng pagkalas ng iba nilang miyembro.
Pinabulaanan din nito na nagsisimula ng mag-collapse ang oposisyon matapos na mag-resign sina dating Senador Tito Sotto III at Tessie Aquino-Oreta mula sa Laban ng Demokratikong Pilipino.
Samantala, sinabi naman ni Roces na wala siyang planong tumakbo bilang Senador at sa halip ay susuportahan na lamang niya ang mga kandidato ng oposisyon at iginiit din nito na mananatili silang magkakaibigan nina Sotto at Oreta sa kabila ng usap-usapan na tumawid na ang dalawa sa kampo ng administrasyon. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest