^

Bansa

DPWH employees ayaw kay Soriquez

-
Tinutulan ng mga empleyado ng Department of Public Works and Highways ang maugong na pagtatalaga kay dating DPWH Undersecretary Florante Soriquez bilang kapalit ni Sec. Hermogenes Ebdane na umano’y itatalaga sa DND post.

Nanawagan ang mga empleyado at senior officials ng DPWH kay Pangulong Arroyo na magtalaga na lamang ng ibang officer-in-charge maliban kay Soriquez.

Ayon sa mga empleyado, hindi umano naging epektibong kalihim si Soriquez noong una na itong itinalaga bilang OIC sa DPWH sa halip ay lalo lamang umanong lumala ang ‘graft and corruption’.

Anila, may bahid umanong ‘alingasngas’ ang panunungkulan ni Soriquez bunsod ng ilang anomalya na may kaugnayan sa Mega Dike project sa Pampanga.

Anila, kung sakali umanong italaga pa rin ni PGMA si Soriquez ay magsasagawa sila ng sunod-sunod na kilos protesta sa harap ng kanilang punong tanggapan sa Port, Area, Maynila tulad ng una na nilang isinagawa kaya napatalsik ito sa puwesto.

Sinabi ng grupo, marami naman umanong kuwalipikadong senior official ng DPWH na maaaring ipalit kay Ebdane basta’t huwag lang si Soriquez upang hindi na umano maulit ang ilang maanomalyang proyekto sa kagawaran. (Mer Layson)

vuukle comment

ANILA

AYON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EBDANE

HERMOGENES EBDANE

MAYNILA

MEGA DIKE

MER LAYSON

PANGULONG ARROYO

SORIQUEZ

UNDERSECRETARY FLORANTE SORIQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with