Sinabi ni Chairman Abalos, ini-award ang kontrata sa nagsumite ng pinaka-mataas na bidding kayat dapat na maghain ng pormal na reklamo ang sinumang complainant sa kanilang tanggapan at hindi sa media.
Wika pa ni Abalos, hindi maaksyunan ng Comelec ang scam na ito dahil sa kawalan na rin ng tumatayong complainant sa P300 milyong security paper contract scam na gagamitin sa pag-imprenta ng mga balota para sa darating na May 14 elections.
Batay sa ulat, nakuha ng Lamco Paper Products Corporation ang P300 milyong kontrata sa Comelec sa kabila ng mas mataas na bid nitong P23,899 sa kada ream kumpara sa bid ng Advance Computer Forms na P14,999 sa kada ream.
Nilinaw din ni Abalos na walang kinalaman ang kanyang tanggapan sa nasabing kontrata at ipinaubaya ito ng Comelec sa Bids and Awards Committee na nagrekomenda naman sa Comelec en banc.
Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson, hindi pa man nagsisimula ang eleksyon ay nabubuko na ang mga anomalya sa Comelec tulad ng kontratang ito kaugnay sa gagamiting balota sa darating na May 14 elections. (Gemma Garcia/ Rudy Andal)