^

Bansa

3 heneral pinagpipilian para Air Force chief

-
Tatlong heneral ang mahigpit na naglalaban ngayon para sa susunod na iluluklok bilang Philippine Air Force (PAF) chief kapalit sa pagreretiro ng kasalukuyang hepe na si Lt. Gen. Jose Reyes sa darating na Pebrero 3 ng taong kasalukuyan.

Ayon sa nakalap na impormasyon, mahigpit na pinagpipilian sa kasalukuyan sina Major Gen. Horacio Tolentino, commander ng Tactical Operations Command na mula sa Class ’74 ng Philippine Military Academy (PMA) ; Pedrito Cadungog, PAF staff ng PMA Class ’75 at Major Gen. Fernando Manalo, Commander ng Air Logistic Service Command na na-commissioned ng PAF noong 1975.

Maliban sa mga nabanggit ay kasama rin sa mga napipisil si Major Gen. Enrique "Ike" Insierto, commander ng Air Education Command na nakabase sa San Fernando Air Base at mistah rin ni AFP chief of staff Gen. Hermogenes Esperon Jr., ng PMA Class ’74.

Napag-alaman na nakatakdang mag-retiro si si Reyes ngayong darating na Pebrero 3 sa pagsapit ng kanyang ika-56 kaarawan na siyang mandatory sa age retirement ng bawat miyembro ng AFP.

Si Manalo umano ang pinapaboran ni Reyes na humalili sa kanyang pwesto, ayon pa sa nakalap na impormasyon.

Inaasahan na sa susunod na mga araw ay ihahayag na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang susunod na PAF chief base na rin sa rekomendasyon ng AFP Board of Generals. (Joy Cantos)

AIR EDUCATION COMMAND

AIR LOGISTIC SERVICE COMMAND

BOARD OF GENERALS

FERNANDO MANALO

HORACIO TOLENTINO

JOSE REYES

JOY CANTOS

MAJOR GEN

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with