^

Bansa

Spice Boys vs Bright Boys sa Mayo

-
Hindi lang Erap versus Gloria o administrasyon laban sa oposisyon ang napipintong eleksyon kundi banggaan din ng paksiyon sa Kamara ng mga batang pulitiko at ito ay ang mga tinaguriang Spice Boys at Bright Boys ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Tumutukoy ito kina Presidential Chief of Staff Michael Defensor at Bukidnon Congressman Juan Miguel Zubiri na parehong miyembro ng Spice Boys laban naman kina Sorsogon Congressman Francis Escudero at Alan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros na kabilang naman sa mga tinaguriang Bright Boys ng Kamara.

Sa lingguhang 777 Media Forum sa Pasay City, sinabi ni Congressman Zubiri na magandang senyales ang gusto nilang iparating sa sambayanang Pilipino ngayon na pare-pareho silang nagdesisyon na sumabak sa Senatorial race, mga magkaka-edad, halos magkakasabay pumasok sa Kongreso noong 1998 at sa loob ng siyam na taon o tatlong termino may maipagmamalaki na silang nagawa at naitulong sa bansa.

Si Zubiri ang may akda ng landmark legislation ng Biofuels Act o ang paggamit ng biofuel o ethanol bilang alternatibong langis na pwedeng gamitin bukod sa langis na ibinebenta ng mahal sa bansa.

At sa kanilang pagtakbo sa Senado mas maganda aniyang talikuran na ng sambayanan ang tradisyunal na pulitika at bigyan ng pagkakataon ang mga batang gaya nila bilang mga alternatibong kandidato na nakahandang magserbisyo sa mamamayang Pilipino. "Sana makita ng taumbayan na meron pang alternatibong kandidato tulad namin na makakatulong din sa bansa and maybe we should move out of the older tradition of politics", dagdag pa ni Zubiri.

Pero sinabi ni Zubiri na hindi na dapat tingnan sa eleksyon kung namarkahan sila noon na mga agresibong kongresista kabilang man sa Spice Boys o Bright Boys dahil ang importante aniya ngayon ay determinado sila bilang mga batang pulitiko na makatulong sa pag-unlad at pagbabago ng bansa.

"It’s not anymore Spice Boys or Bright Boys except that we are young leaders determine to make a difference in our country at kung manalo kami tingin ko swerte ang bansa natin" giit pa ni Zubiri.

Si Zubiri kasama si Defensor ay sigurado na sa tiket ng administrasyon sa Senado habang sina Escudero naman at Cayetano ay mga pambato ng oposisyon.(Malou Escudero)

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

BIOFUELS ACT

BOYS

BRIGHT BOYS

BUKIDNON CONGRESSMAN JUAN MIGUEL ZUBIRI

CONGRESSMAN ZUBIRI

SI ZUBIRI

SPICE BOYS

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with