Ito ang tahasang sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. sa paggunita ng ika-anim na anibersaryo ng pagpapatalsik kay dating Pangulong Estrada sa pamamagitan ng EDSA Dos.
Ayon kay Pimentel, sayang lamang ang naging partisipasyon niya sa ikalawang people power revolution dahil simula nang agawin ni Mrs. Arroyo ang presidency mula kay Estrada noong Enero 21,2001, naging talamak naman ang katiwalian sa gobyerno, dayaan sa eleksyon at pagpapatumba sa mga kritiko ng administrasyon.
Umaasa naman ang mambabatas na magkakaroon pa rin ng katuturan ang EDSA Revolution kung ipapatupad ng Pangulo ang kahilingan ng oposisyon."Ipatupad ang pangako sa pagbabago, tanggalin ang mga magnanakaw ng pera at balota ng bayan. Itigil ang extrajudicial killings. Iparesign si Gloria," wika ng senador.
Matatandaan na si Pimentel, noon ay tumatayong Senate President, ang humawak ng mikropono habang nanunumpa sa puwesto si Mrs. Arroyo sa harap ni dating SC chief Justice Hilario Davide Jr. sa EDSA shrine. (Rudy Andal)