^

Bansa

Mga artista na tatakbo ‘di eendorso ng PPCRV

-
Hindi ieendorso ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga artistang pulitiko na wala namang malinaw na plataporma para sa bayan.

"Huwag magpadala sa mga kasikatan ng mga artista at galing sa pananalita ng mga pulitikong nagnanais na tumakbo sa darating na halalan sa Mayo," payo sa mga botante ng PPCRV.

Ayon kay PPCRV Chair Henrietta de Villa, hindi dapat idinadaan sa katanyagan ang pagtakbo sa eleksyon dahil seryosong tungkulin umano ang gagampanan ng mga ito sakaling manalo.

Marapat lamang aniya na suriing mabuti kung malinis ang hangarin nito sa kanyang pagtakbo at dapat ay malinaw silang plataporma.

Ayon pa kay de Villa, ang mga kandidatong maka-Diyos, makatao, makabayan, may pagpapahalaga sa demokrasya at may integridad ang dapat na iluklok sa pwesto.

Puspusan ang pagsasagawa ng information campaign ng PPCRV upang mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga botante. (Mer Layson)

AYON

CHAIR HENRIETTA

DIYOS

HUWAG

MARAPAT

MER LAYSON

PARISH PASTORAL COUNCIL

PUSPUSAN

RESPONSIBLE VOTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with