Ayon sa mga nag-raling DH, mula ng ipatupad ang naturang patakaran ay wala ng gustong kumuha sa kanila.
Kasama ng tinatayang 8,000 DH sa kanilang kilos protesta ang may 11 malalaking asosasyon ng ibat-ibang recruitment agency sa bansa sa pangunguna ng Federated Association of Manpowers Exporters (FAME).
Ayon kay Eduardo Mahiya, pangulo ng FAME, hindi katanggap-tanggap sa mga DH ang governing board resolution at memorandum circular ng POEA na naging epektibo noong Disyembre 16 gaya ng pagtataas ng suweldo mula sa US$200 ay ginawang US$400, pagtakda ng edad na 25 sa mga DH, pagsasailalim sa kanila sa pagsusulit ng TESDA, pagsasanay ng lenguwahe at kultura ng OWWA at pagbawal sa isang ahensiya na singilin ng placement fee ang mga DH ng halagang katumbas ng isang buwan na suweldo. (Mer Layson)