Erap docu pwede nang ipalabas
January 11, 2007 | 12:00am
Pumayag na ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Appeals Committee na maipalabas ang documentary film ni dating Pangulong Joseph Estrada na "Ang Mabuhay Para sa Masa" pero nagbigay ng ilang kondisyon.
Sa inilatag na kondisyon ng board, puwedeng ipalabas ang pelikula kung may pinal na desisyon na ang Sandiganbayan sa kasong plunder ni Estrada.
Kung gusto naman ng producer na maipalabas na ito, dapat ibalanse ang pelikula at ilagay ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa legalidad ng paglilipat ng kapangyarihan kay Pangulong Arroyo mula kay Estrada noong Enero 2001.
Binaligtad ng komite ang ipinataw nitong X-rating ng MTRCB sa 58 minutong TV program na nagtatanghal ng buhay ni Estrada mula nang pagkabata, bilang aktor, producer, bilang pulitiko hanggang sa mapababa siya sa puwesto. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest