Nakapaloob sa inilatag na "code of conduct" ng America na hindi na maari pang makalabas o makalayo ang mga sundalong Kano sa lahat ng lugar na pagdadausan ng Balikatan kahit pa man walang duty ang mga ito.
Nabatid kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mas hinigpitan at nilimitahan ang mga galaw ng mga ito upang umanoy hindi na maulit pa ang Subic rape case kung saan apat na US Marines ang nasangkot sa kaso.
Tanging sa mga restaurant lamang ang maaaring puntahan ng mga ito, kasabay ng limitasyon sa pag-inom ng beer o alak na hanggang dalawang baso lamang at bawal na sa kanila ang maglasing.
Hindi rin puwedeng isuot ang uniporme kung wala sa training.
Ang naturang rules & regulations ay kapwa pinaghalong disiplina at parusa umano sa mga ito upang tumino at wag matulad kay Smith na hinatulan ni Makati Regional Trial Court Judge Benjamin Pozon ng 40-years na pagkabilanggo sa kasong panggagahasa sa Pinay na si Nicole.