^

Bansa

Kano bawal sa club!

- Rose Tamayo-Tesoro -
Dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya ng ilang sundalong Amerikano partikular na ni convicted rapist U.S Marine Lance Corporal Daniel Smith ay binawalan nang pumasok sa mga bahay-aliwan o mga night clubs ang mga Kano na kalahok sa US-RP war games o Balikatan military exercises.

Nakapaloob sa inilatag na "code of conduct" ng America na hindi na maari pang makalabas o makalayo ang mga sundalong Kano sa lahat ng lugar na pagdadausan ng Balikatan kahit pa man walang duty ang mga ito.

Nabatid kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mas hinigpitan at nilimitahan ang mga galaw ng mga ito upang umano’y hindi na maulit pa ang Subic rape case kung saan apat na US Marines ang nasangkot sa kaso.

Tanging sa mga restaurant lamang ang maaaring puntahan ng mga ito, kasabay ng limitasyon sa pag-inom ng beer o alak na hanggang dalawang baso lamang at bawal na sa kanila ang maglasing.

Hindi rin puwedeng isuot ang uniporme kung wala sa training.

Ang naturang rules & regulations ay kapwa pinaghalong disiplina at parusa umano sa mga ito upang tumino at ‘wag matulad kay Smith na hinatulan ni Makati Regional Trial Court Judge Benjamin Pozon ng 40-years na pagkabilanggo sa kasong panggagahasa sa Pinay na si Nicole.

AMERIKANO

BALIKATAN

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KANO

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT JUDGE BENJAMIN POZON

NABATID

NAKAPALOOB

S MARINE LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with